Saturday, October 24, 2015
Monday, February 9, 2015
Wednesday, January 28, 2015
Unedited
Life is indeed full of mysteries...
Kwento ko lang, ako na siguro ang pinakaexcited na makita ka in person. Cant imagine you wake up for us nung dumating kami ni Nanay sa bahay nyo. Bago nun ay nakita ko rin ang ama mo puno ng kaligayahan. Saglit kitang tinitigan habang papasok ako sa lugar mo. Grabe, ang layo ng tingin ng mga mata mo. Sa totoo lang unang impression ko sayo, medyo parang coffee ang kutis mo (morena ika nga). So na-imagine ko na paglaki mo maganda at matangkad ka. Di mo lang alam, lahat kami na dumalaw sayo ay masayang-masaya. Yun nga lang, napansin ko bat parang sinisinok ka, tinanong ko ang ina mo, ngumiti at sinabing, ganyan ka raw, pero okay ka naman raw. Deadma na lang ako. So habang nagchichismisan ang lahat, ako seriously, excited na kuhanan ka ng pictures, solo mo at kasama syempre ang mga magulang mo. Sa totoo, ang saya nyo kayang picturan. Ewan ko ba, excited talaga ako nung mabalitaan kong mag-aapear ka na sa lahat.
Alam mo bang sinamahan ko ang tatay mong mamili ng mga pagkain at konting gamit mo. Feeling ko nga di sya mapakali sa bibilhin nya o di makapili, ewan. Basta ang naalala ko excited syang umuwi agad at balikan ka. Ramdam ko ang saya ng ama mo. Kulang na lang ipagsigawan nya na lumabas ka na, hashtag #proudDaddy ika nga. Ayun, kakatuwa lang paalis na kami sa bahay nyo ay ang bigla mo namang pag-idlip. Oh di ba, ramdam mo na paalis na mga bisita mo at wala ng iistorbo sa pagtulog mo, hehe.
Ayun, pabalik ako nang Maynila, ipinost ko na ang unang picture mo, saan pa? Eh di sa Instagram redirect also sa Facebook! LoL. Dalawa lang ang solo pictures mo, namimili nga ako sa dalawa kung ano. Hanggang ayun na-ipost na, walang edit edit yun ah, natural lahat. Then, log out.
Alam mo bang bago mag 12 midnight, nagising ako. Pansamantalang paggising yata yun, tapos naligo ako. Tinatawag ako ni Mama sa taas ng apartment namin, ewan ko ba, ang hina ng pagkakatawag nya sa akin kasinghina nang marinig ko ang unang iyak mo. Napansin ko kaya yun, kaya nga tinanong ko si Nanay, bakit ganun. Sabi nya, ganyan talaga pag "Baby".
Bigla tuloy kaming napatawag sa ama mo dahil nagtxt sya at yun ang dahilan nang maliit na boses ni Mama. Nung sinabing tungkol sayo, grabe ang kaba ko. Parang may nangyayari. Pagkausap ko sa ama mo, grabe ingay nang nakapaligid sa kanya. Pero alam mo, nararamdaman ko na yung feeling nya. Yung natataranta, basta hirap explain kasi nga isusugod ka nila sa pinakamalapit na hospital. Yun ba yung hinahabol ang hininga kasi nga hirap ka raw huminga. Pansamantalang tumahimik, kumalma, nag-iisip kami at patuloy na nag-iisip. Tawag kay ganito, kay ganyan para mag-update pero di ko na rin napigilan. "oh Diyos ko, Lord, Baby, ading, magdasal"- ito na lang ang mga katagang nabitawan ko, na ok sana lahat...pero hindi.
Sa pansamantalang katahimikan namin habang kanya kanya kaming nagdadasal sa isip-isip namin. Isang txt galing sa ama mo, na kinuha ka na pala Nya. Grabeh noh, ambilis nun. Tinawagan ko ang ama mo, binusesan ko sya. Ganito, ganyan pero parang ang naintindihan ko lang "mahal na mahal ka niya".
Sigurado nmang akong binabasa mo ito ngayon. Itong mga sandaling ito, ninanamnam ko na ang pansamantalang kaligayahan na ibinahagi mo sa amin lalo na sa mga magulang mo, 1st time kasi nila. Nahihiya pa nga sila sayo ng konti, hehe. Ikaw kaya ang pinakamabait na baby na nakita ko. Kaya grabe tama mo sa akin.
For sure, babasahin mo ito. Gusto ko lang ipahatid na masayang masaya kami na nagpakita ka amin dito sa mundong ibabaw. Naway bago ka matulog nang mahimbing, sana mapakinggan mo lahat ng gusto naming sabihin sayo tapos pakibulong na lang sa Kanya pagdating mo Doon.
Subscribe to:
Posts (Atom)